FINANCE & LIFESTYLE OPINION

PNP Year-end bonus: An attempt to Explain

 
Mag-tatagalog po ako sa article na ito dahil napansin kong maraming mga kasamahan natin na “mejo” kinakapos ang pag unawa kapag pera na ang pinag-uusapan.
Kapag papalapit na ang december, kahit na walang break ang ating mga kapulisan, nagiging excited na ang tropa dahil nangangamoy year end bonus na. (although alam naman natin na ang isang matinong lalaking pulis, nagreremit agad kay kumander). Kaya naman lubos ang kasiyahan natin ng mapa-balita (sa pamamagitan ng isang live press conference) na ang ating mga inaasam na mga parating na biyaya (Read: yearend bonuses) ay maii-release na daw sa November 18, 2016 (Friday). Nagdiwang ang sangkapulisan at saglit na nalimutan ang mga problema ng kriminalidad sa bayan.
Subalit, hindi pa man nagtatagal ang tuwa’t kasiyahan, parang bombang sumabog sa social media ang isang Memo galing sa Finance kung saan, nilatag nito ang mga alituntunin sa pag-rerelease ng ating mga bonus.
pnp
wag po kayong nagpapaniwala sa mga
ganitong maling interpretasyon.
Kasabay ng paglabas ng memo ay ang pagsabog ng mga hinaing, sama ng loob, pagpaparatang ng katiwalian, at ang laging hindi nawawala, maling impormasyon.
Marami agad ang nag-react at samu’t saring isyu ang naipukol sa ating mga kinauukulan. Kunga ting susumahin, papasasok sa mga sumusunod na bagay ang isyu ng ating mga kasamahan:
  1. Bakit hindi kasama ang Productivity Enhancement Incentives o PEI dun sa memo na nailabas ng Finance gayung kasama iyun sa mga sinabi ni Gen. Detran sa kanyang presscon?
  2. Bakit may percentage na basehan ang pagbibigay ng 14th month pay gayong nasabi sa parehong presscon na katumbas ng isang buwang base pay (1 month base pay)?
  3. Yung natanggap daw noong May 2016 ay midyear bonus palang daw at iba pa ang 13th at 14th month pay?
Hayaan po ninyong subukan kong ipaliwanag ang lahat base na rin sa mga kung ano ang available na datos sa intenet.
 
1. Bakit hindi kasama ang Productivity Enhancement Incentives o PEI dun sa memo na nailabas ng Finance gayung kasama iyun sa mga sinabi ni Gen. Detran sa kanyang presscon?
Sa unang isyu, eto po ang paliwanag:
Ang latest na PEI po ay pormal na naisabatas nung panahon ni PNoy sa bisa ng Executive Order No. 201, s. 2016* o MODIFYING THE SALARY SCHEDULE FOR CIVILIAN GOVERNMENT PERSONNEL AND AUTHORIZING THE GRANT OF ADDITIONAL BENEFITS FOR BOTH CIVILIAN AND MILITARY AND UNIFORMED PERSONNEL. Ito po iyong alternative sa Salary Standardization Law 4 o SSL na hindi naipasa sa congress. Nakasaad sa batas na yan, specifically sa Section 6. Na:

“Productivity Enhancement Incentive. Beginning FY 2016, the Productivity Enhancement Incentive shall be given not earlier than December 15 of every year to all qualified government employees at Five Thousand Pesos (P5,000) each for the purpose of improving the government employees’ productivity”
*as provided by Para 4.h.ii.bb of Congress Joint Resolution No. 4 (s. 2009).

Ibig sabihin, klaro po na hindi pwedeng i-release ang PEI ng mas maaga sa December 15, 2016 dahil ito ay violation of law o labag sa batas. Ang press con po ng PNP noong nakaraang linggo ay general info po ang format. Tinalakay lamang dito kung ao ang mga matatanggap ng ating kapulisan. Subalit naging vague o hindi malinaw kung alin ang ang matatanggap sa Nov. 18 at alin ang hindi pa.
2.Bakit may percentage na basehan ang pagbibigay ng 14th month pay gayong nasabi sa parehong presscon na katumbas ng isang buwang base pay (1 month base pay)?
Sa pangalawang isyu, ibig ko po muna ipakita na ang basehan ng ating year-end bonus ay ang Para 4.f.iii ng Congress Joint Resolution No. 4 (s. 2009). Nakasaad ang mga sumusunod:

“(iii) Year-End Bonus and Cash Gift – This is equivalent to one (1) month basic salary and Cash Gift provided under Republic Act No. 6686, as amended by Republic Act No. 8441. Henceforth, the year-end bonus and other cash gifts shall be funded from the annual general appropriations.”

Ang ating Cash gift naman po ay base sa Republic Act No. 8441 or AN ACT INCREASING THE CASH GIFT TO FIVE THOUSAND PESOS (P5,000.00), AMENDING FOR THE PURPOSE CERTAIN SECTIONS OF REPUBLIC ACT NUMBERED SIX THOUSAND SIX HUNDRED EIGHTY-SIX, AND FOR OTHER PURPOSES. Nakasaad ang mga sumusunod:

“SEC. 2. Officials and employees of the National Government who have rendered less than four months of service from January 1 to October 31 of each year and who are employed in the government service as of October 31 of the same year shall be entitled solely to the following percentage of the cash gift:

                          Length of Service                       Percentage               

3 months but less than 4 months       –     40%

2 months but less than 3 months       –     30%

1 month but less than 2 months         –     20%

Less than one month                        –      10%

Base naman sa Official Gazette of the Philippines [source], ang 13th month pay ay isang monetary benefit na katumbas ng monthly compensation na natanggap ng isang empleyado. Ito ay kinu-compute ng pro-rata base naman sa kung ilang buwan ang nailingkod ng nasabing empleyado.

Kung tungkol sa formula kung papaano i-compute ang 13th month pay, ito ang sabi ng Official Gazzette:
How is 13th month pay computed?
The 13th month pay is computed based on 1/12 of the total basic salary of an employee within a calendar year, or basic monthly salary for the whole year divided by 12 months.
Eto naman ang formula ng PNP:
Kung tutuusin, mas malaki ang makukuhang 13th month pay ng isang empleyado kung ang gagamiting formula ay sa PNP kumpara dun sa sinasabi ng batas.
Para mas lalong maintindihan ng ating mga kasamahan, hayaan nyong mag bigay ako ng halimbawa gamit ang ang mga nasabing formula.
Sabihin na nating Php 14,000 ang Monthly basic salary at naka-apat na buwan na din ang empleyadong si Juan.
Formula No. 1 – ang nakasaad sa batas, 1/12 ng kabuuang kinita ng isang empleyado:
  1. 13th month pay
Php 14,000 x 4 (apat na buwan plang siya) = 56,000 (kabuuang kinita ni Juan sa taon)
Php 56,000 x 1/12 = ?
Php 56,000 x 0.08333 = Php 4,666.6713th month pay ni Juan sa Formula no. 1
  1. Cash Gift
Php 5,000 x 50% = Php 2,500 → cash gift
Formula No. 2 – ang nakasaad sa memo ng PNP:
  1. 13th month pay
Php 14,000 x 50% = ?
Php 14,000 x 0.5 = Php 7,00013th month pay ni Juan sa Formula ng PNP
  1. Cash gift
Php 5,000 x 50% = Php 2,500 → cash gift (same lang)
3.Yung natanggap daw noong May 2016 ay midyear bonus palang daw at iba pa ang 13th at 14th month pay?
Mali po yan. Ang 13th month pay ay yun din yung tinatawag na Year-end bonus. Ang 14th month pay naman ang Midyear bonus. [source]
 
My Last words
Sana po, wag po tayong magpapadala sa ating emosyon. Alam po natin na mahalaga ang bawat sentimo ng perang dapat naman ay talagang atin. At maling hindi iyon maibigay sa atin. Pero mas mali po nmn na magpakalat kayo ng mga maling impormasyon. At mali din na magpapaniwala kayo doon. Wala pong ibang nasisira sa pinaggagawa ninyo kundi ang ating organisasyon at kasama pa rin po kayo dun.

Nagkamali lng po si general. patawarin nyo na.

Bakit ako nag eeffort na i-explain eto?

Magagaling po ang ating mga kalaban sa larangan ng propaganda. at marami na po tayong napapansin na ini-exploit ang mga isyung may kinalaman sa pinasyal (financial) upang subukin ang katatagan ng ating samahan bilang isang organisasyon. halimbawa na lamang po ang susunod na litrato.

Magkapareho po ang memo pero magkaiba ang caculations. Bakit kaya?

 

 
Please don’t forget to like my facebook page:


At bilang panghuli, heto po, basahin ninyo ang Pledge of Loyalty na sinulat ni Elbert Kim Hubbard.

Marinong Pulis
This blog is an attempt by the author to create an alter-ego that is not bound by rank, hierarchy or politics. One that does not represent his personal character but rather shall remain as an identity purely found online.
http://www.angmarinongpulis.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five × 3 =