Hindi porket may kaso ang pulis, rogue cop na agad. Kung alam nyo lang gaano kahirap mag pulis. Ipapatupad mo ang batas ikaw pa masama. Kahit alam na natin na mali ang isang kriminal, kakampihan pa rin kasi pulis yung humuli.
Maraming pulis ang may kaso, kasi walang takot nilang ipinapatupad ang batas. May ilan akong alam na natadtad ng kaso dahil sa counter-charge ng mga hinuli nila. Lalo na kung opisyal ka, kapag ikaw ang team leader, at nagkaroon kayo ng operation, swak yan pagkatapos nyong masampahan ng kaso ang kriminal, sasampahan din kayo nun. Harassment baga.
Ang pulis tao din yan, lalo n yung may pamilya, dahil ayaw nyang mapurnada ang bonus nya, minsan may ilan iaatras nlang ang reklamo.
Kaso di yun pwede, kasi People of the Philippines ang nirerepresent ng pulis, kaya pag nagkamali syang umatras sa kasuhan. Malamang magkaka-administrative case naman sya. diba walang pupuntahan ang pulis?
Damn if you do, Damn if you don’t. Kahit “pending case” palang, minsan, walang year end bonus ang pulis? Ang dami pang disciplinary authorities ang may hawak sa mga pulis, like yung mayor, under nya din ang pulis, kaya minsan politically motivated ang kaso sa pulis.
Karamihan sa mga sibilyan, galit o may tinatagong pagkamuhi sa pulis, pero kapag nagigipit, makikipag areglo. Marami din, gustong mag asta-astahang pulis. Kung totoong demonyo ang mga pulis, next time pagnanakawan kayo, nabudol-budol kayo, na-carnap ang sasakyan nyo, tawag kayo ng kriminal. Baka matulungan kayo.
P.S.
Marami nagsasabi na pag may krimen, laging huli ang pulis.
Kasi po di sila si superman nahuhulaan kung kelan at saan mangyayari ang kriminalidad.
Sabi nila, edi mag patrolya.
Sabi ko naman, sa 100 million na tao sa pilipinas, 140 thousand lng ang pulis.
Sa lawak ng nasasakupan ng isang istasyon, di nya kayang libutin yan. Nakasalalay pa din sa pakikipagtulungan ng komunidad ang pag sugpo sa kriminalidad.
Pero kahit gaano kahirap at halos imposibleng gawin yang mga demand ng tao, ginagawa pa din ng pulis ang kanyang trabaho.
Hindi pulis ang walang disiplina. Yung taong bayan ang walang disiplina. Tanong mo muna sarili mo, may disiplina ka ba?
Kung ikaw yung di mo maamin sa sarili mong may pagkukulang ka, malamang sa malamang, adik ka, o walang pinag-aralan.