Supposedly, every 5 years ang National Congress nila. Pero dahil sa pagkagahaman sa kapangyarihan ni Joma Sison, na takot matanggalan ng leadership, limang Dekadang hindi ginanap ang nasabing National Congress.
Nung 1990s, nag-karoon ng pag aaway away sa loob ng CPP kasi nagkaiba sila ng ideolohiya kung papaano papatakbuhin ang partido at ang rebolusyon.
Ayon kay Joma Sison, dapat ituloy ang nasimulang Protracted People’s War o Matagalang Digmang Bayan. Ito ay ibinabase nya sa ginawa ni Mao Zedong.
Ang layon nila ay unahing impluwensyahan ang mga barrio habang pinapalibutan ang mga syudad.. Kalakip din neto ang prinsipyong “Join the Government to destroy the Government”.
Pero ayon sa ibang challengers nya, na karamihan ay mga taga mindanao, dapat daw ay simulan na Bloody Militant Revolution na gaganapin sa mga sentro o syudad.
Dahil sa pagkakaiba ng kanilang paniniwala, nagkaroon ng pagkabiyak ng partido noong 1990s. Nahati ang CPP sa mga tinatawag na Reaffirmist at Rejectionist factions.
Ang mga Reaffirmist ay sinuportahan si Joma sa paniniwalang ang Matagalang Digmang Bayan ang mananaig.
Samantalang ang mga Rejectionist na nagkanya kanya na ng kanilang grupo. Merong Partido ng Manggagawa sa Visayas at Mindanao. Ang mga rebelde sa bandang Rizal at Quezon ay mayroon ding sariling tinatag na Marxist Revolutionary Movement.
Pati ang mga National Democratic Movements ay nahati din.
Ang Akbayan Ay halimbawa ng Rejectionist. Ang Gabriela, BAYAN at LFS ay mga Reaffirmists.
May apat na main activities ang CPP. Ito ay ang mga sumusunod:
- Open Mass Movement
- Participation in Elections
- Participation in Peace Negotiations
- International Solidarity
Obvious naman na mahilig sa rally ang mga komunistang ito. Lahat ng isyu ay sinasakyan.
Sa Eleksyon, laging kasama sila sa pamamagitan ng Partylists. At ngayon, sumasali na din sila sa senatorial election.
Napasok na nila ang mga barangay bureaucracy, naniningil sila ng Permit to Campaign at Permit to Win. Kahit sino pa ang ruling party, kinakalaban nila.
Sa peace Negotiations, ginagamit lang nila ito para i-leverage ang kanilang ikakabuti. Hihiling sila ng mga imposibleng demands, katulad ng pagpapalaya sa lahat ng mga nabilanggong Membro nila na may mga kaso, at pag bibigay sa kanila ng mga territoryo sa mga kanayunan.
Imposible ang mga iyon.
Sasabayan din nila ng propaganda campaign ang peace negotiations. Tapos, gagawa sila ng paraan, katulad ng pag basag ng tigil putukan, at pag atake sa mga sundalo at pulis, para bumagsak ang peace negotiations. Tapos, isisisi nila sa gobyerno ang mga ito.
Sa international solidarity, obviously, may budget galing sa ibang support countries. Saan galing ang kanilang budget for AK47s? Di ba?
Know our Enemy. Be aware. They are the viruses of this society.
Please don’t forget to like my Facebook Page TO GET MORE GOOD NEWS AND INFORMATION at www.facebook.com/angmarinongpulis
Recommended for you
- Are you in favor of passing the Divorce law? Yes or no, why?
- Same-sex marriage: Are you in favor? Why?
- Are You In Favor Of Legalizing Abortion In The Philippines? Why?
- Why Am I blogging Marinong Pulis?
- Police service: performing duties while “one foot is in the grave”