POLICE & COMMUNITY SOCIAL ISSUE

Ano ang mali sa insidenteng sangkot ang menor de edad at ang pulis pasay

Eto yung menor de edad na nagtrending dahil hinaharass daw ng pulis na si Taytayon. Although kitang kita na na sinadya nilang iprovoke ang tao doon palang sa video, kita din sa mga naging actuations na later on kung ano ang tunay na ugali nya, base na din sa post nya sa social media.

Ang problema sa kabataan ngayon, ayaw nang nasisita. Sabi nga nung pulis, kapag may nakikita syang mali, talagang sinisita nya. Dapat pa nga nating pasalamatan yung tao kasi may pakialam sa society. Yung sinasabi ng ilan na may una nang nangyari sa MOA na kung saan may sinita din si tatay na mga makukulit na bikers, nakita ko din ang video at walang masama doon. Kahit ako man naninita ng malolokong kabataan. Hirap ngayon, ikaw na nga gagawa ng tama, ikaw pa ang masama dahil isusubject ka sa trial by publicity sa social media. Yun nga lang, ang mga post ng mga bata pagkatapos mag upload ng video ay nagpapakita ng kanilang tunay na ugali. 

On a side note, walang nakikitang mali sa aksyon ng pulis, ikaw ba, kung ganon ka volatile ang situation dahil sa panghaharass ng mga kabataang yun, hindi ka pa magiging alerto?
Tandaan ho natin na bilang mga pulis, lagi nang nakapatong sa hukay ang ating kaliwang paa. At ang ating pinakasandata ay ang pagiging alerto. Ang case na ito ay maiihalintulad natin dun sa isang pulis na naka motor na muntik masagasaan ng nag upload din ng video noon. Nabash ang ating kasamahan dahil nakahawak daw sa polohan ng baril at harassment daw yun. Baliw ba kayo? Hostile ang kausap mo, anytime pwedeng bunutan ka ng baril? Tapos magrerelax ka pa?
Sa ating trabaho, mas mananaig ang kasabihang, “it’s better to explain in court than to lie in coffin”.

Note:
Ang picture po ay naka blur dahil menor de edad. 16 yo. Pero sa mga naging actions nya, may nakikita akong hint na alam nya na ang consequences ng ginawa nya at aware sa talaga sa ginawa nya. Sa batas natin, maaring makasuhan ang above 15 yo kung mapalabas na naiintindihan nila at aware sila sa pinaggagawa nila. Online libel at cyberbullying.

Hindi po napost ang article na ito para ibully ang mga bata, ito po ay para ipoint out ang mga mali.

Siya nga pala, asan ang mga magulang ng mga batang ito?

Please don’t forget to like my Facebook Page TO GET MORE GOOD NEWS AND INFORMATION at www.facebook.com/angmarinongpulis

Marinong Pulis
This blog is an attempt by the author to create an alter-ego that is not bound by rank, hierarchy or politics. One that does not represent his personal character but rather shall remain as an identity purely found online.
http://www.angmarinongpulis.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

two × 1 =