OPINION SOCIAL ISSUE

UBER VS LTFRB: PATAASAN BA NG IHI?

Bear with me kasi mahaba ito.
Uunahan ko na kayong lahat, wla akong kinikilingan at gusto kong tumayo sa gitna o neutral zone. Gusto kong tumayo outside of the arena.
Avid fan po ako ng TNVServices, esp ng UBER, at inaamin ko, ako mismo ay nagalit noon sa LTFRB. Pero nung nag start na ang senate inquiry at nagsipaglabasan ang katotohanan ukol sa mali sa operations ni UBER, at nung nalaman ko na hindi pala PAMI ang insurance provider ng Uber, nagulat ako. Paano pla kung may nangyaring aksidente, edi hindi full coverage na nakasaad sa batas ang makukuha. Mas nakakainis lang na during senate inquiry, nagsinungaling pa sila tungkol sa bagay na ayan, sinabi nilang PAMI daw pero pinabulaanan ng mismong Director ng PAMI na mid-2016 pa pala nag end ang contract nila.
Walang mali sa bagong systema na to, agree ako sa sinasabi ni James Deakin na hindi dapat nating ipasok sa dating systema ng Taxi ang TNVS. So walang mali sa bagong systema. May problema sa management ng UBER. Ginagawa nilang pang front ang mga operators, drivers at riding public kasi alam nilang lamang sila dahil sobrang dependent ng mga ito sa system nila at kapag biglang nawala, ang mapapasama ay ang LTFRB. Marami ang nagtatanong na bakit TNVS ang espesyal or apple of the eye ngayon ng LTFRB samantalang napapabayaan ang mga balasubas na taxis, jeep at bus. Para sa akin, napakaunique ng isyu ng TNVS, una na jan ang sistema na hindi katulad ng mga nakasanayan na nating porma ng public transport.
Pero kahit gaano pa din ka kakaiba yan, importante pa din sa lahat ang welfare, safety, security at convenience ng mga mananakay. Hindi porket napabayaan na ang mga regular public transport servicers ay papabayaan na ang UBER, kasi kesehoda namang mas maayos ang naiioffer na services ng TNVS. Mali po na lohika yun. Tandaan natin na “the end does not justify the means”. Nung nagsinungaling palang sila (uber) tungkol sa  insurance provider, glaring signs na yun na may attitude problem si uber. Nung nag accept pa din sila ng mga bagong units kahit napakaklaro na ng order na itigil na ang pagtanggap, hindi ba isang masamang pangitain yun na walang pakialam si UBER sa kanyang mga partner drivers at operators? At ngayon, nung nag MR sila, pero parang sinisisi pa nila si LTFRB sa nangyari, masyado naman na po.
Sa mga drivers, kay UBER po yata kayo dapat magalit kung bakit nagyari ito. Sino po ba ang nagpatuloy na tumanggap ng bagong units kahit napakaklaro na yun ang ipinagbawal? Diba si Uber? Ang lagay kasi, parang ipinanangkalan ni Uber ang mga partners (drivers and operators) nila sa usaping ito. Niluluto na nga po kayo sa sarili nyong mantika eh. Minamanipula ang public opinion. Pero ang totoo, wala yata silang pake sa welfare ng mga drivera at riders. They only care about the profits. (Sasabihin na nman they were operating at a loss. Naku, tigilan nyo kami. Mag 3 years nang operational ang Uber sa Pilipinas. Kung nalulugi kayo, tyak umalis na kayo. Diba nga sa china, after a short stint na pakikipagbuno sa ridesharing company na Didi, nag pull out kayo kasi lugi? Kaya don’t me. Ok?)
Bonus point:
Ang consepto ng ride sharing or car pooling ay ganito: ang mga may ari ng sasakyan ay magsishare ng kanilang seats para yung iba hindi na gagamit ng sarili nilang sasakyan.less cars, less traffic. Less usage of fuel, less pollution.
Kaso sa pilipinas, modified na. Ang mga dating nasa abroad, may trabaho, or mga unemployed (tambay), kumuha ng units thru car loan, ipinasok sa TNVS at pumasada. Ang pang monthly amortization, kukunin sa kita. Makikita natin kung gaano ka diskarte ang pinoy. Yung nasa abroad, napabuti kasi nakauwi na at may source of income na dito. So asan ang problema? Nandun sa dami ng mga naka register na vehicles. Sobrang nagballoon. Sobrang dumami. Hindi rin nasolusyonan ang problema sa heavy traffic. Mas lalo ang isyu sa polusyon. Kaninong look out yun? Remember nag stop na si LTFRB sa pag process bg registration. Kaya si Uber dapat ang may look out para kontrolin ang pasok ng sasakyan at limitahan ang dami. Kaso pasok pa din sila ng pasok eh. Mas madami, mas malaki kita.
Another bonus point:
Sobrang laki po ng naitulong ng UBER, in fairness to them. Pero sana rider’s welfare ang center ng kanilang services. Pag may nangyaring aksidente (knock on tge wood wag nmn sana), hands off na sila at nakay driver at operator ang bigat.

In fairness din sa LTFRB, kung paniniwalaan nyo lang, welfare natin ang mananaig kapag naayos na ito. Sana lang po LTFRB, pagtuunan nyo naman ng pansin yung ibang public transport services gaya ng bus, jeep, taxi, FXs at marami pang iba. Ang lagay lang ba ay TNVS ang apple of the eye. Kung gusto po natin masabi na nagtatrabaho tayo, kilos kilos din po. Itanong natin, bakit kaya gusto ng publiko ang TNVS eh mahal naman? Kung maayos lang ba ang public mass transport natin eh, bakit pa ako mag Uuber?

Final point

Pareho pong may pagkukulang, Uber man or LTFRB. Pero na-aarogantehan ako sa kinikilos ng Uber at parang sinisisi pa nila sa LTFRB, pero kung tutuusin, sila din ang may kasalanan. Sa LTFRB nman, wag pong mang espesyal, lahatin nyo po. Ang daming balasubas sa daan.
Wish ko lang:
Sana maayos na ito at maimpprove na ni Uber ang services nya. Magkasundo na sila ni LTFRB. Hindi po namin kakayaning mawala ka Uber. Yung kabilang service, hindi pang alternative eh. Naka sedan ka nga, parang taxi naman kasi pag nakita ang destination mo, hindi na inaaccept. Where is the service phrase na “transport service”?

TO  UBER at LTFRB:

hindi ko po kayo dinadown or sinisiraan. I am challenging you to please give us riding public the services due for us, which you have promised whether based on your mandate or company mission. Please, please, please!!! We don’t deserve these hardships!!!!

Sa issue kung sino ang dapat mawala, TAXI ba or si UBER? may nasulat napo ako dati. basahin nyo nalang po.

Marinong Pulis
This blog is an attempt by the author to create an alter-ego that is not bound by rank, hierarchy or politics. One that does not represent his personal character but rather shall remain as an identity purely found online.
http://www.angmarinongpulis.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

seventeen − 17 =